Tuesday, May 27, 2008
Marivic G. Ongaria
Thursday, May 22, 2008
contemporary philosophy
Jay Riz A. Yao BOA 3-4
Pilosopiya: Ano ka sa buhay ko???
Mula ng tayo ay ipinangak sa mundong ito, masilayan ang liwanag at mamulat ang mga mata sa karunungan at kaisipan sa ating kapligiran, marami ng gumulo sa ating isipan. Mga ideyang unti-unting nabibigyang kahulugan habang tayo ay lumalaki. Mga tanong na nais nating malaman ang kasagutan. Pinag-aaralan ang mga bagay na nais bigyang linaw. Ngunit iilan sa atin ang nakaaalam nasa munting bagay o katanungang ito, tayo’y nagiging mga Pilosopo. Pilosopo sa katauhan ng pagiging matanong at matalino. Hindi iyong mga pang-kalye lang. Hindi alam ng karamihan na ang isang uri ng pagtatanong at paghahanap ng kataungan ay isang uri ng Pilisopiya. SA iba, Ito’y isang aralin lamang sa paaralan. Ngunit kung bilang aralin s o asignatura lamang natin ito pag-uusapan, marami ang magsasabi na isa ito sa mga nakakaantok o nakababagot na asignatura. Iilang tao lamang ang nagbibigay importansya dito. Hinda natin alam na ang kaalaman ditto ay malaki ang maitutulong sa ating pnag-araw-araw na pamumuhay.
Kung ako ang tatanungin, kulang ang isang pahina ng aklat upang ipaliwag ang Pilisopiya. Ngunit magkaganun man, ibabahagi ko ang munti kong nalalaman sa Pilosopiya na nag-bukas sa aking isipan upang tingnan ang buhay sa mas malawak na pananaw.
Ayon sa aking guro, nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philo", na nangangahulugan ng “Pagmamahal” at ang "Sophia" naman ay "Karunungan". Sa madaling salita, Ito ay “Pagmamahal sa Karunungan”. Ito ay my apat na sangay:
1. Etika - Sangay na tumatalakay sa Moralidad, kung ang kilos ay mabuti o masama sa pamantayan ng isang lipunan.
2. Epistemolohiya - Sangay na umaalam sa pag-aaral ng kaalaman ng tao. Nagtatakda ng mga tanong kung saan nagmula ang kaalaman?, Mayroon bang katiyakan ang kaalaman ng tao?, at kung paano matitiyak kung may katiyakan ba ang kaalaman?.
3. Metapisika - Sangay na may kinalaman sa lahat ng bagay na may kinalaman sa konsepto ng tao. Ito ay ang mga hindi materyal na bagay at hindi konkreto tulad ng "Diyos".
4. Katuwiran (Logic) - Agham at sining ng tamang pangangatwiran.
Ang pangkasalukuyang pilosopiya ay tumutukoy sa pangkasalukuyang batayan ng mga pilosopo. Pinapalawak ng mga pilosopo sa ngayon ang mga ideyang pilosopiya noong nakaraang apat na dekada. Tototong ang sinaunang pilosopiya ayay mahalagang batayan sa pagpapalaganap ng kontemporaryong pilosopiyan ngunit katulad ng sensiya, nangangailangna din ito ng pag-unalad. Pag-unlad tungo sa susunod pang henerasyon. Hindi natin alam kung hanggang kailan, ngunit habang may mga nilalanang na nagpapatuloy sa pag-aaral nito, lalong uunlad ang ating mga Pilosopiya sa buhay. Sa ngayon, sanhi ng mga pagbabgo sa pilosopiya ay patuloy pa rin na naghahanap ng mga kasagutan sa mga katanungang gumugulo sa ating isipan. Nahaharap tayo sa mga modernisasyong pagbabgo o kotemporaryong panahon,gayundin ang pilosopiya. Maraming pagbabago ngunit sana’y hindi natin makalimutan ang aspetong ito ng buhay.
Tuluyan pang lumalim ang pag-aaral ng Pilosopiya. Tuluyan naring nagbubukas ang isipan ko hinggil dito. Maaaring munti laman ang aking kaalaman, ngunit kasabay ng pagtuklas ko sa pilosopiya, lumalalim din ang tingin ko sa buhay at pag-unawa dito.
Sa nagyon, masasabi kong ang pilosopiya ay hindi lamang aralin na dapat tulugan ssa loob ng apat na sulok ng silid-aralan. Bagamat isang bahagi ng buhay na dapat tuklasin, bigyang linaw, at pag-aralan. Hindi lamang ng mga eksperto, ngunit ng isang ordinaryong tao tulad ko.