Tuesday, May 27, 2008

Marivic G. Ongaria

CONTEMPORARY PHILOSOPHY
Ang ideya ng Contemporary Philosophy ay nabuhay na usapin sa Europa noong natatapos na ang ika-19 na siglo, iba't-ibang mga pilosopo ang nagsagawa ng pag aaral tungkol dito ay sina Alain Badiou, Jean-Luc Nancy, Peter Singer, Bernard Stiegler, Slavoj Žižek. Kabilang sa mga pag-aaral na ito ay ang kaugnayan ng tao sa kapaligiran, mga karapatan ng iba't ibang nilalang at mga pagsubok sa larangan ng medisina at siyensya.
Iba't-ibang konsepto ang nabuo sa pagitan ng mga Europeo Pilosopo tulad nina,
Alain Badiou isang Marxist Pilosopong Pranses na nagsabi na ang karanasan ng isang tao sa pag-ibig, malikhaing paglikha, siyentipikong patuklas, kasamaan at kaguluhan kasabay ng kapayapaan ay nagbibigay sa tao ng malawak na ideya at kalaunan ay ang kalayaan o ang tinawag pa niyang walang hanggang kalayaan. Ang isang tao ay nagkakaroon ng isan Heroic Figure na kung saan matuturing din na isan imahinasyon ng isang tao kung anong uri ng nilalang siya magiging.
Ayon naman kay Jean-Luc Nancy isa ring Pilosopong Pranses ang kalayaan ay napakaimportante para sa isang tao lalo na sa kanyang mga kilos, padedesisyon pulitika, pamumuno at sa marami pang mga bagay dahil mas makakaroon daw na kaayusan at kaluwagan ang tao kung magkakaroon siya ng kalayaan. at marami pang iba.

No comments: