Tuesday, May 27, 2008
Marivic G. Ongaria
Thursday, May 22, 2008
contemporary philosophy
Jay Riz A. Yao BOA 3-4
Pilosopiya: Ano ka sa buhay ko???
Mula ng tayo ay ipinangak sa mundong ito, masilayan ang liwanag at mamulat ang mga mata sa karunungan at kaisipan sa ating kapligiran, marami ng gumulo sa ating isipan. Mga ideyang unti-unting nabibigyang kahulugan habang tayo ay lumalaki. Mga tanong na nais nating malaman ang kasagutan. Pinag-aaralan ang mga bagay na nais bigyang linaw. Ngunit iilan sa atin ang nakaaalam nasa munting bagay o katanungang ito, tayo’y nagiging mga Pilosopo. Pilosopo sa katauhan ng pagiging matanong at matalino. Hindi iyong mga pang-kalye lang. Hindi alam ng karamihan na ang isang uri ng pagtatanong at paghahanap ng kataungan ay isang uri ng Pilisopiya. SA iba, Ito’y isang aralin lamang sa paaralan. Ngunit kung bilang aralin s o asignatura lamang natin ito pag-uusapan, marami ang magsasabi na isa ito sa mga nakakaantok o nakababagot na asignatura. Iilang tao lamang ang nagbibigay importansya dito. Hinda natin alam na ang kaalaman ditto ay malaki ang maitutulong sa ating pnag-araw-araw na pamumuhay.
Kung ako ang tatanungin, kulang ang isang pahina ng aklat upang ipaliwag ang Pilisopiya. Ngunit magkaganun man, ibabahagi ko ang munti kong nalalaman sa Pilosopiya na nag-bukas sa aking isipan upang tingnan ang buhay sa mas malawak na pananaw.
Ayon sa aking guro, nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philo", na nangangahulugan ng “Pagmamahal” at ang "Sophia" naman ay "Karunungan". Sa madaling salita, Ito ay “Pagmamahal sa Karunungan”. Ito ay my apat na sangay:
1. Etika - Sangay na tumatalakay sa Moralidad, kung ang kilos ay mabuti o masama sa pamantayan ng isang lipunan.
2. Epistemolohiya - Sangay na umaalam sa pag-aaral ng kaalaman ng tao. Nagtatakda ng mga tanong kung saan nagmula ang kaalaman?, Mayroon bang katiyakan ang kaalaman ng tao?, at kung paano matitiyak kung may katiyakan ba ang kaalaman?.
3. Metapisika - Sangay na may kinalaman sa lahat ng bagay na may kinalaman sa konsepto ng tao. Ito ay ang mga hindi materyal na bagay at hindi konkreto tulad ng "Diyos".
4. Katuwiran (Logic) - Agham at sining ng tamang pangangatwiran.
Ang pangkasalukuyang pilosopiya ay tumutukoy sa pangkasalukuyang batayan ng mga pilosopo. Pinapalawak ng mga pilosopo sa ngayon ang mga ideyang pilosopiya noong nakaraang apat na dekada. Tototong ang sinaunang pilosopiya ayay mahalagang batayan sa pagpapalaganap ng kontemporaryong pilosopiyan ngunit katulad ng sensiya, nangangailangna din ito ng pag-unalad. Pag-unlad tungo sa susunod pang henerasyon. Hindi natin alam kung hanggang kailan, ngunit habang may mga nilalanang na nagpapatuloy sa pag-aaral nito, lalong uunlad ang ating mga Pilosopiya sa buhay. Sa ngayon, sanhi ng mga pagbabgo sa pilosopiya ay patuloy pa rin na naghahanap ng mga kasagutan sa mga katanungang gumugulo sa ating isipan. Nahaharap tayo sa mga modernisasyong pagbabgo o kotemporaryong panahon,gayundin ang pilosopiya. Maraming pagbabago ngunit sana’y hindi natin makalimutan ang aspetong ito ng buhay.
Tuluyan pang lumalim ang pag-aaral ng Pilosopiya. Tuluyan naring nagbubukas ang isipan ko hinggil dito. Maaaring munti laman ang aking kaalaman, ngunit kasabay ng pagtuklas ko sa pilosopiya, lumalalim din ang tingin ko sa buhay at pag-unawa dito.
Sa nagyon, masasabi kong ang pilosopiya ay hindi lamang aralin na dapat tulugan ssa loob ng apat na sulok ng silid-aralan. Bagamat isang bahagi ng buhay na dapat tuklasin, bigyang linaw, at pag-aralan. Hindi lamang ng mga eksperto, ngunit ng isang ordinaryong tao tulad ko.
Wednesday, March 26, 2008
Rialita Alcaide
Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philo" at "Sophia". Ang "Philo" ay nangangahulugang "Pagmamahal" at ang "Sophia" naman ay "Karunungan". Kung pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa Karunungan". Kung kaya't ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay linaw, kasagutan at karagdagang karunungan sa nagtatanong.
Kabilang sa itinatanong ng mga pilosopo ay ang mga sumusunod:
Metapisika: Anong uri ng mga bagay ang umiiral sa mga bagay na meron? Ano ang kalikasan ng mga bagay? Meron bang mga bagay na umiiral kahit na hindi natin nadarama? Ano ang kalikasan ng kalunanan at kapanahunan? Ano ang kalikasan ng kaisipan at pag-iisip? Ano ba ang kahulugan ng pagiging isang tao? Ano ba ang kahulugan ng kamalayan? Meron bang diyos?
Epistemolohiya: Meron nga bang kaalaman? Paano natin nalalaman na may alam tayo? Paano natin malalaman na may iba pang nakapag-iisip?
Etika: Meron bang pagkakaiba ang matuwid at mga imoral na mga gawain (o pagpapahalaga, o institusyon)? Kung meron, anong uri ang pagkakaibang ito? Anong mga gawain ang matuwid? Anong pinapahalagahan ang sukdulan, o may-kaugnay lamang? Gamit ang mas malawak o mas eksaktong paraan ng pagtalakay, paano ako dapat mabuhay?
Lohika: Ang pagtatalo bang iyan ay pormal? Anu-ano ang mga batayang upang masabi na ang isang pagtatalo o pangungusap ay tumitimbang sa pormal na lohikal?
Ang madalas na pagkakaintindi ng karaniwang tao sa salitang pilosopiya ay tumutukoy ito sa anumang anyo ng karunungan, o pananaw ng tao hinggil sa buhay (tulad sa "pilosopiya sa buhay") o mga pinag-uugatang prinsipyo o paraan upang makamit ang isang bagay (tulad sa "ang aking pilosopiya sa pagmmamaneho sa malalaking lansangan"). Karaniwang tinutukoy nito ang pananaw sa buhay. Ngunit sa aking palagay, ang pilosopiya ay tumutukoy lamang sa pagaaral ng pagnanais ng tao malaman ang pinakamalalim na tanong o kasagutan sa buhay. Dahil dito, masasabi ko na ang pagaaral ng pilosopiya ay walang katapusan.
Marlon A. Mission
Monday, March 24, 2008
billy ivan calendacion
..contemporary philosophy..
“Hay, mahirap at nakaka-antok!!!!”., yan marahil ang tugon ng ilang mga estudyante kapag binuksan mo ang tema ng paksang Philosophy, at marami pang negatibong komento siguro. Ito lamang ay mga impresyon ng mga taong walang maganda at masayang pag- unawa sa paksang ito. Impresyon na dulot lamang ng kasalatan sa talino at pag – hanga sa Philosophy.
Ang Philosophy man ay walang direkta at pormal na kahulugan, hindi ito nangangahulugan ng kahirapan sa pag – aaral. Marami ang nag bibigay at tinatangap na pag – papakahulugan sa Pilo. Ito ay syensya, arte, disiplina, rason, proposisyon, hakbang o proseso. Isa sa mga pilosopong nag bigay kahulugan sa Contemporary Philosophy ay si Karl Jaspers. Ang pilosopiya ay ang pag hahanap sa katotohanan. Ayon sa kanya ang pag – tatanong ay esensyal. Ang tanong ay mahalaga kaysa sagot, sapagkat ang bawat sagot ay nag bibigay daan lamang sa mga bagong katanungan. Kaya maaari nating sabihin na ang pilosopiya ay makabuluhang pagtatanong. Mahirap ba yon. Walang araw o oras na hindi tayo nag tatanong o sabihin nating sa bawat araw o oras na tayo ay nagtatanong tayo ay pumupunta sa mundo ng pilosopiya. Mayroon bang diyos? Saan nagmula ang buhay, ang talino? Mga tanong na sinusubukan sagutin sa paksang pilosopiya.
“Pilo” ang tawag naming sa asignaturang ito. Ito’y hindi mahirap at nakaka antok tulad ng sabi ng iba. Ito’y mahalaga, interesante at masaya. Ang apat na dibisyon nito ay nagpapakita ng dibersidad sa ibat-ibang disiplina na nag – bibigay ng ibat – ibang interes.
Ethics. Isa sa mahahalagang dibersyon ng pilo. Sinasagot nito ang tanong na kung ano ang dapat gawin ng isang tao. Tinatalakay nito ang kabutihan at kasamaan ng isang aksyon, ang syensya at art ng moralidad. Parte ng kontemporaryong o pangkasalukuyang pilosopiya ang pagkakaroon ngayon ng tiyak na gawain ng tao tulad ng etikang pang-medikal, komersyo at pang kapaligiran. Ang pag-aaral nito ay esensyal sa pamumuhay ngayon.
Metaphysics. ang kahalagahan at pinagmulan ng isang bagay. Hindi ba’t interesante. Ang konsepto tungkol sa diyos ay paborito argumento sa disiplinang ito.
Epistemology. Ito rin ay isa sa mga interesante at mapanghamon na dibisyon sa pilo. Sa kadahilanang ito ya sinasabing kritiko ng kaalaman. Dito tinatalakay ang pingamulan at kasiguraduahan ng kaalaman o talino.
Logic. Ang syensya at arte ng tamang pag iisip at pag bibigay rason. Ginagamit ito sa pag aanalisa ng problema at katanungan.
Ito lamang ang pag – papatunay na ang pilo ay hindi mahirap, masarap alamin, hindi boring, interesante at esensyal sa pag harap sa buihay ngayong 20th century.
contemporary philosophy
Si Pierre Bourdieu ay ipinanganak sa Denguin, noong agosto 1, 1930. napangasawa niya si Claire Brizard noong 1962 at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng tatlong lalaki.
Nagaral siya ng pilosopiya sa Paris sa Ecole Normale Superieure.
SI Pierre Bourdieu ay isang pilisopo ng “kontemporaryong pilosopiya” na naniniwala na hindi dapat pinag-aaralan ang isang kaugalian ng isang komunidad sa termino ng katayuan sa buhay o mga ideya lamang. Mas binibigyan nya ng halaga ang edukasyon at kaugalian ng isang pangkat. Ginamit nya ang “concept of fields”: na kung saan ang mga tao ay ngkakahalubilo at kung paano sila magtrabaho para sa kanilang mga adhikain sa buhay.
“Habitus” ito ay ang mga nakagawian ng mga tao sa isang lugar. Ito ay nahahati sa dalawang pangkat: subjective at objective. Ang “habitus” (a system of disposition: acquired schemes of perception , thought and action.). subjective ito ay mga bagay na iyong naiisip lamang na gawin, objective ay ang mga bagay na iyong gusting mangyari sa buhay mo.
Symbolic capital and symbolic violence
Symbolic capital ay ang karapatang marinig ang katwiran, honour. Symbolic violence ay kapag ang symbolic capital ay gumamit ng dahas o ginamit nya ng tama ang kaniyang kapangyarihan o kaya naman ay pinagsamantalahan niya ang kahinaan ng isang tao ay tinatawag na symbolic violence.
Kaniya ring pinaniniwalan na ang pagkilala ng katayuan ng isang tao ay naaayon sa gusto. Sa pagkain, pananamit, at hilig sa nga bagay bagay.
Cutural capital ang tawag niya sa pagaaral niyang ito. Ito ay binubuo ng social capital at economic capital.
ICY C. ILICAN
BOA III-4D,IRREGULAR
Zhiena Mercy A. Evangelista
Tulad ng mga tanong na sino ako? Kung hindi ba ako ang sarili ko ngayon, ako pa kaya ako kung sa ibang sarili na ako? Bakit ako nandito? Ano ang dahilan ko? Bakit ko kailangang pagsikapang gumawa ng kabutihan sa kabila ng mga kabiguan?Saan nagmula ang mundo? Kung ang mundo ay nagsimula sa isang bagay, ang bagay na iyon ay may pinagsimulan din.Paulit-ulit na tanong sa bawat kasagutang nabubuo sa ating kaisipan, o maaring dumating na sa puntong maari mo ng maisip na maari kayang ang isang bagay ay nagsimula sa wala?
Ito ang tinatawag na Pilosopiya. Ang pahahanap sa katoohanan, sa pinakamataas na antas ng dahilan. Maari ring tawaging "Pagmamahal sa Karunungan" ang Pilosopiya mula sa etimolohikal nitong depinisyon. Galing sa griyegong salitang "Philo" at "Sophia". Ang disiplinang ito ay nagsimulang uminog noon pa mang sinaunang panahon kung saan nabuo ang mga pampilopsiyang tanong ng sangkatauhan. Dito nabubuo ang mga katanungang bumabalisa sa ating sarili, sa mga bagay na naranasan o natutunan sa araw-araw nating buhay. Nagpapakati ng aitng isipan, nagpapasakit ng ating damdamin at nagpapakita sa atin ng mga katotohang tayo ay tao.
Sa panahon ngayon, bunga na rin ng mga pagbabago,ang disiplina ng Pilosopiya ay patuloy pa rin na naghahanap ng mga kasagutan sa mga katanungang wala pa ring nakakaalam ng mga dahilan. Tayo ngayon ay nasa tinatawag na kontemporaryong panahon, nasa kontemporaryong pilosapiya at nasa kontemporaryong pamimilosopiya.Maaaring sabihing sa panahon ngayon, lahat ng bagay ay maaring bigyan ng sapat na paliwanag ng agham o sa isang mas angkop na salita, may lohikal na paliwanag para sa lahat.