..contemporary philosophy..
“Hay, mahirap at nakaka-antok!!!!”., yan marahil ang tugon ng ilang mga estudyante kapag binuksan mo ang tema ng paksang Philosophy, at marami pang negatibong komento siguro. Ito lamang ay mga impresyon ng mga taong walang maganda at masayang pag- unawa sa paksang ito. Impresyon na dulot lamang ng kasalatan sa talino at pag – hanga sa Philosophy.
Ang Philosophy man ay walang direkta at pormal na kahulugan, hindi ito nangangahulugan ng kahirapan sa pag – aaral. Marami ang nag bibigay at tinatangap na pag – papakahulugan sa Pilo. Ito ay syensya, arte, disiplina, rason, proposisyon, hakbang o proseso. Isa sa mga pilosopong nag bigay kahulugan sa Contemporary Philosophy ay si Karl Jaspers. Ang pilosopiya ay ang pag hahanap sa katotohanan. Ayon sa kanya ang pag – tatanong ay esensyal. Ang tanong ay mahalaga kaysa sagot, sapagkat ang bawat sagot ay nag bibigay daan lamang sa mga bagong katanungan. Kaya maaari nating sabihin na ang pilosopiya ay makabuluhang pagtatanong. Mahirap ba yon. Walang araw o oras na hindi tayo nag tatanong o sabihin nating sa bawat araw o oras na tayo ay nagtatanong tayo ay pumupunta sa mundo ng pilosopiya. Mayroon bang diyos? Saan nagmula ang buhay, ang talino? Mga tanong na sinusubukan sagutin sa paksang pilosopiya.
“Pilo” ang tawag naming sa asignaturang ito. Ito’y hindi mahirap at nakaka antok tulad ng sabi ng iba. Ito’y mahalaga, interesante at masaya. Ang apat na dibisyon nito ay nagpapakita ng dibersidad sa ibat-ibang disiplina na nag – bibigay ng ibat – ibang interes.
Ethics. Isa sa mahahalagang dibersyon ng pilo. Sinasagot nito ang tanong na kung ano ang dapat gawin ng isang tao. Tinatalakay nito ang kabutihan at kasamaan ng isang aksyon, ang syensya at art ng moralidad. Parte ng kontemporaryong o pangkasalukuyang pilosopiya ang pagkakaroon ngayon ng tiyak na gawain ng tao tulad ng etikang pang-medikal, komersyo at pang kapaligiran. Ang pag-aaral nito ay esensyal sa pamumuhay ngayon.
Metaphysics. ang kahalagahan at pinagmulan ng isang bagay. Hindi ba’t interesante. Ang konsepto tungkol sa diyos ay paborito argumento sa disiplinang ito.
Epistemology. Ito rin ay isa sa mga interesante at mapanghamon na dibisyon sa pilo. Sa kadahilanang ito ya sinasabing kritiko ng kaalaman. Dito tinatalakay ang pingamulan at kasiguraduahan ng kaalaman o talino.
Logic. Ang syensya at arte ng tamang pag iisip at pag bibigay rason. Ginagamit ito sa pag aanalisa ng problema at katanungan.
Ito lamang ang pag – papatunay na ang pilo ay hindi mahirap, masarap alamin, hindi boring, interesante at esensyal sa pag harap sa buihay ngayong 20th century.
1 comment:
Slots - Casino Finder - MapyRO
Find 부산광역 출장마사지 slot machines and play them at MapyRO. Slot 세종특별자치 출장마사지 Machine MapyRO The Best Free Online 속초 출장샵 Slots Real Money No Deposit Casinos · 나주 출장안마 1. 제천 출장샵 Slot
Post a Comment