Monday, March 24, 2008

Zhiena Mercy A. Evangelista

Kontemporaryong Pilosopiya
Noong una kong marinig ang salitang pilosopiya, maraming bagay at mga detalye ang nag-uunahang pumasok sa aking maliit at masikip na isipan ng mga panahong iyon. Mga simpleng tanong na walang kasagutan o isang mahirap ipaliwanag na kasagutan sa isang malalim na katanungan.


Tulad ng mga tanong na sino ako? Kung hindi ba ako ang sarili ko ngayon, ako pa kaya ako kung sa ibang sarili na ako? Bakit ako nandito? Ano ang dahilan ko? Bakit ko kailangang pagsikapang gumawa ng kabutihan sa kabila ng mga kabiguan?Saan nagmula ang mundo? Kung ang mundo ay nagsimula sa isang bagay, ang bagay na iyon ay may pinagsimulan din.Paulit-ulit na tanong sa bawat kasagutang nabubuo sa ating kaisipan, o maaring dumating na sa puntong maari mo ng maisip na maari kayang ang isang bagay ay nagsimula sa wala?



Ito ang tinatawag na Pilosopiya. Ang pahahanap sa katoohanan, sa pinakamataas na antas ng dahilan. Maari ring tawaging "Pagmamahal sa Karunungan" ang Pilosopiya mula sa etimolohikal nitong depinisyon. Galing sa griyegong salitang "Philo" at "Sophia". Ang disiplinang ito ay nagsimulang uminog noon pa mang sinaunang panahon kung saan nabuo ang mga pampilopsiyang tanong ng sangkatauhan. Dito nabubuo ang mga katanungang bumabalisa sa ating sarili, sa mga bagay na naranasan o natutunan sa araw-araw nating buhay. Nagpapakati ng aitng isipan, nagpapasakit ng ating damdamin at nagpapakita sa atin ng mga katotohang tayo ay tao.
Sa disiplinang ito, ang tanging hinihingi at isang mapagkilatis na kaisipan at mga katanungan. Tulad ng tanong na ito: Kapag nagtanong ba ako, isa na akong pilosopo? Ang sagot: OO
Ikaw, ako, siya, sila, tayong lahat ay mga pilosopo. Lahat tayo ay may kanya-kanyang mga katanungan.Walang pamantayan ang pagiging isang pilosopo. Basta may tanong ka, isa ka ng Pilosopo.

Sa panahon ngayon, bunga na rin ng mga pagbabago,ang disiplina ng Pilosopiya ay patuloy pa rin na naghahanap ng mga kasagutan sa mga katanungang wala pa ring nakakaalam ng mga dahilan. Tayo ngayon ay nasa tinatawag na kontemporaryong panahon, nasa kontemporaryong pilosapiya at nasa kontemporaryong pamimilosopiya.Maaaring sabihing sa panahon ngayon, lahat ng bagay ay maaring bigyan ng sapat na paliwanag ng agham o sa isang mas angkop na salita, may lohikal na paliwanag para sa lahat.
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon.Ang tao ay may hangganan, may kakayahang umintindi ng bagay-bagay at kung ano ang meron. Natuto tayong umangkop sa mga pagbabago sa bawat araw na lumilipas dahil ito ay bahagi ng ating buhay na hindi natin maaring iwaglit, kalimutan o iwasan. Ito ang kabuuan ng ating pagkatao. Sumasagot sa tanong na Sino ako? Sino ka? Sino Tayo? at ang dahilan kung bakit tayo nandito.Maaring sumagot sa mga piling tanong, ngunit hindi sa isang lohikal na paraan, ngunit sa isang katoohanang lahat tayo ay bahagi ng tinatawag na "PILOSOPIYA."

No comments: