Contemporary? Philosophy? Dalawang salitang maaring hindi alam ng karamihan. Sa simula pa lamang, mayroon na akong ideya kung ano ang tinutukoy ng paksang ito. Una, ang salitang contemporary na nangangahulugang pangkasalukuyan at philosophy o pilosopiya na tumutukoy naman sa pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Sa madaling salita, tinutukoy nito ang pangkasalukuyang pilosopiya.
Ang pangkasalukuyang pilosopiya ay tumutukoy sa pangkasalukuyang batayan ng mga pilosopo kaysa sa mga batayan noong sinaunang pilosopiya. Dito, pinapalawak ng mga pilosopo ngayon ang mga ideyang pilosopiya noong nakaraang apat na dekada. Bagamat ang sinaunang pilosopiya ay mahalagang sangkap para sa pangkasalukuyang panahon, hindi natin masasabi kung alin sa mga sinaunang pilosopiya ang aakma at tatagal sa pagdaan ng panahon. Bagamat may mga pagbabagong naidagdag sa larangan ng pilosopiya ngayon, ito ay nagsilbing daan upang umusad ang maraming argumento at debate ng mga pilosopo ukol dito.
Ang isyu dito ay sa pagitan ng pangkasalukuyang pilosopiya laban sa sinaunang pilosopiya. Sinasabi na pagkatapos ng isang daan taon, tinatayang 95-99% ng mga gawa ng pangkasalukuyang pilosopiya ay malilimutan samantalang 95-99% naman ng mga gawa ng sinaunang pilosopiya ang siyang pagaaralan. Bakit nga ba ganito? Sa aking palagay, mas binigyan halaga ang sinaunang pilosopiya sapagkat mas may batayan ito kaysa sa pangkasalukuyang pilosopiya. Isa pa, saan ba nagsimula ang ideyang pangkasalukuyan? Ito rin ay buhat sa sinaunang pilosopiya. Kumuha ng ideya ang mga pilosopo ngayon sa mga ideya ng mga sinaunang pilosopo. Dito, pilit pinapalawak ng mga pilosopo ngayon ang mga gawa noong sinaunang pilosopiya samantalang ang mga gawa noong sinaunang pilosopiya ay masasabing katanggap-tanggap na kaya nga tumagal ito magpasahanggang ngayon.
Masasabi ko na ang sinaunang pilosopiya ay isa ring pangkasalukuyang pilosopiya sapagkat magpasahanggang ngayon, ang mga gawa pa din ng mga sinaunang pilosopiya ang siyang pinagaaralan. Isa pa, napansin ko na ang takbo ngayon ng pilosopiya ay umaayon sa saklaw nito. Pagtatanong, yan ang nature of philosophy, ayon sa aking guro. At ang mga debate at mga isyung nagaganap sa pangkasalukuyang pilosopiya ay normal lamang at hindi dapat pagtakhan.
Napakalawak talaga ang sakop ng pilosopiya. Masasabi ko na ito ang siyensiya ng mga siyensya. Wala na ata talagang katapusan ang pilosopiya. Habang may mga tanong, mananatili ang pilosopiya sa buhay ng bawat tao.

No comments:
Post a Comment