Ang Pilosopiya (sulat ni MJ Magnes)
Ang Pilosopiya ay ang lahat!! Kahit saan ka magpunta ay ginagamit ito di lang napapansin. Kakatuwang isipin na maraming tao ang naguguluhan at napipikon tungkol sa Pilosopiya, ngunit ang hindi nila alam ito ay practical science.
Lahat ay pwede dito pati baliw. sa katunayan sa tingin ito ay para sa mga baliw, hibang, ngunit mahuhusay na tao. Di kailangang matalino sa para dito, dahil ito na mismo and katalinuhan, nandito na ang lahat. Lahat ay naka-base dito. Etika, Moralidad ang kung anu anu pang sangay. Ito ang katotohanan, sandigan ng lahat.
Sa nobela ni Rizal na El Filibusterismo, si Pilosopo Tacio ay itinuturing na baliw subalit kung iyong iisipin siya ay matalino. Napatunayan ito ng tanungin siya ng dalawang bata tungkol sa ibong hawak hawak ng mga ito, tinanong sya kung ang ibon ay buhay o patay. Ang sagot niya ay ganito, "Nasa iyong kamay ang kasagutan!" Tama sya, sapagkat kapag sinabi nyang buhay ay iipitin ng bata ang ibon hanggang sa malagutan ito ng hininga at kung sinabi nya namang patay ay ipapakita lamang ng bata ang buhay na ibon sa kanyang kamay. Rizal din ay isang Pilosopo.
Nangangahulugang ultimo simpleng tao kahit hindi nakapag-aral ay maaaring maging isang Pilosopo, mayaman man o mahirap, may katungkulan o wala basta mamahalin mo lamang ang kaalaman, pagmamasdan ang kapaligiran, susubukang alamin ang katotohanan, at mahusay na mag-isip ng mga bagay na may katuturan.
Kapakipakinabang, kagilagilalas, mahusay, at kakatuwa.
Si Bob Ong na isang kilalang manunulat ng libro, magaganda ang nilalaman at kapupulutan ng aral. Subalit walang nakaka-alam kung anng tinapos niya subalit sa kanyang mga sulat niya ay masasabing siya ay simpleng tao lamang, nagmamasid sa kapaligiran, kumakalap ng impormasiyon sa mga iba't ibang klase ng tao. Mamumulat ka sa katotohanan ng kapaligiran. Maituturing din siyang Pilosopo.
Malalim ito kung di mo iisipin ng mabuti.
Ang Pilosopiya ay katalinuhan, biyaya ng Diyos sa tao. Sinasabing ginagamit ito upang pag-aralan ang Diyos, ang pinagmulan ng lahat, binabasag ang mga batas ng mga tao at pati rin ng May-kapal. Maraming paraan at propesyon ang gumagamit nito. Mga abugado, Pastor, at mga Pari ang gumagamit nito.
Ang Pilosopiya ay magagamit kahit saan, sa pag-unlad at pagwasak. Katotohanan at kasinungalingan. Mabuti at masama.
AMEN!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment