Sunday, March 23, 2008

Jose Mari E. Frondozo

Pilosipiya, marami ang nagsasabi na ang subject na to ay boring at napakahirap intindihin. Sabi ng guro ko sa Philosophy ay di naman mahirap ito saka hindi boring, nung nagturo na sya medyo nalito ako pero interisado ako kasi may mga tanong ako na nasagot na dati ay hirap na hirap kong sagutin. Itong subject na to ay tungkol pala sa pag-aaral ng kung anu-ano bagay na sa tingin mo ay napaka komplikado. Ang mga philosophers ang sasagot sa mga tanong at ipapaliwanag nila ito hanggang sa maintindihan mo. Ang pilosopiya ay nagmula sa mga salitang griyego philos na ang ibig sabihin ay pagmamahal at sophia naman ay kaalaman, ito ay pag-aaral ng pagmamahal ng kaalaman.
Contemporary Philosophy, noong ancient time marami na ring mga philosophers ang nagsilabasan tulad na lang ni Aristotle. Sa panahon nila noon marmi silang nasagot na mga tanong na di masagot ng na di masagot ng pangkaraniwang tao, marami silang mga teorya at mga opinyon na kung saan ito ay ping-aaralan. Ayon kay Aristotle ang pilosopiya ay agham ng lahat ng bagay. Binigyang kahulugan din ni Aristotle ang pilosopiya, ito daw ay '' Science of Everything ''.
Sa contemporary time dito lumalabas ang mga bagong ideya, philosophers, at mga bagong technic sa pagsagot sa mga tanong na komplikado. Ang ibig sabihin mas maraming mga katanungan ang mabubuo at mga sagot na sigaradong interisante at makabuluhan.
Sa totoo lang mahirap talaga ang pilosopiya pero ayos din pag-aralan kasi masaya ding pag-aralan ang komplikadong tanong kahit na magkalito lito ka kaiisip. Maganda din na pag-aralan ito nakakatulong din ito sa pag praktis sa bilis ng iyong pag-iisip at lawak ng iyong nalalaman.

No comments: