PANGKASALUKUYANG PILOSOPIYA
(CONTEMPORARY PHILOSOPHY)
Sa pagpapaliwanag kung anu ang Pangkasalukuyang Pilosopiya, sisimulan ko sa pagpapakahulugan sa salitang Pilosopiya.
Anu ang Pilosopiya?.....
Ang Pilosopiya ang nagmula sa dalawang salitang griyego na "philos" at "sophia." Ang ibig sabihin ng salitang "philos" ay pagmamahal (love) at ang ibig sabihin naman ng salitang "sophia" ay kaalaman (wisdom). Kaya ang etimolohikal na kahulugan ng Pilosopiya ay "pagmamahal sa kaalaman" (love of wisdom).
Nagkaroon din ng iba't ibang kahulugan ang Pilosopiya mula sa iba't ibang tanyag na Pilosopo.
Ayon kay Aristotle.......
Ang Pilosopiya ay agham ng prinsipyo ng unang dahilan ng lahat ng bagay sa buhay ng tao. Maari ding sabihing agham ng lahat ng bagay.
>parang napakadaling intindihin ang kanyang pakahulugan sa salitang Pilosopiya pero kung iisipin napakalawak ng sinasaklaw ng kanyang kahulugan. Masyadong malalim ang mahuhukay sa ganitong kahulugan. Kung ito ay tumatalakay sa buhay ng tao mag-uugat dito ang mga katanungang; bakit my mga tao? Saan nanggaling ang tao? Bakit tao ang tawag sa kanila? at marami pang katanungan hanggang dumugo ang utak mu hindi pa din un matatapos!!!..... dahil ang tinatalakay dito ay ang pinagmulan mismo ng mga bagay-bagay dito sa mundo.......
Ayon kay St. Thomas Aquinas........
Ang Pilosopiya ay "divine science." Sa Pilosopiya lamang mapag-aaralan at matututunan ang tungkol sa Diyos. Ang Pilosopiya ay ang pinakamataas na "speculative sciences."
>masyadong nakakadugo ng ilong ang pagpapakahulugan ni St. Thomas Aquinas medyo naiintindihan ko pero nahihirapan akong ipaliwanag. Ito ang mga lebel ng "speculative sciences" :
pinakamababa -- "natural sciences" - tumatalakay sa mga bagay-bagay
gitna -- "matematika" - tumatalakay sa mga bagay-bagay at sa mga kaanyuan nito.
pinakamataas -- "Pilosopiya" - tumatalakay sa lahat ng mayroong anyo o mayroong siguradong anyo lamang.
Ayon kay Carl Jaspers.........
Sa Pilosopiya, ang mga katanungan ay mas mahalaga kaysa sa mga kasagutan dahil ang mga sagot ay pagmumulan muli ng isa pang katanungan.
>base sa pagpapakahulugan ni Carl Jaspers napaaayon ako sa kanyang sinabi. Ang mga kasagutan nga ay pagmumulan lamang ng isa pang katanungan. Sa isang usapan kapag ganito ang mangyayari kahit siguro 10 taon kayo mag-uusap hindi kayo mawawalan ng pag-uusapan hanggang sa ang isa sa inyo ay bumigay o magkapatayan na lamang kayo.
Ayon kay Philisopher Joseph Reylan Viray...............
Ang Pilosopiya ay ang paghanap sa katotohanan.
>maikli lang pakahulugan pero napakalaki ng saklaw. Sa paghanap ng katotohan gumagamit tayo ng mga katanungan. Malayo ang mararating natin sa paghanap ng katotohanan.
>sabi nga nga aming butihing professor, hindi lang ang mga ng aral ng Pilosopiya ang maaring tawaging Pilosopo. Lahat daw ng nagtatanong ay maaring tawaging Pilosopo. Kaya lahat ng mga Pipletz na nagtatanong ay mga Pilosopo..
>> mayroong apat na sangay ang Pilosopiya.
ito ay ang mga sumusunod:
Etika - sangay ng Pilosopiya na nag-aaral tungkol sa moralidad.
Epistomolohiya - sangay ng Pilosopiya na nag-aaral tungkol sa kaalaman at sa kritiko ng kaalaman.
Metapisika - sangay ng Pilosopiya na nag-aaral tungkol sa mga pundamental na konsepto ng tao.
Lohika - ito ay agham at sining ng tamang pag-iisip at makatwirang pangangatwiran.
>napakalaki ng tulong ng Pilosopiya sa pamumuhay ng bawat tao. Araw-araw natin itong nagagamit nang hindi natin nalalaman.
Kung iisipin nga naman napakahirap pag-aralan ang Pilosopiya ngunit ngaun namulat na kami na ang Pilosopiya ay napakasimple lamang at maari din kaming maging Pilosopo. Ang simpleng pagtatanong ay pagiging Pilosopo. Nalaman din namin sa aming Professor at sa kanyang imaginary friend na lahat ng pipletz ay maaaring maging Pilosopo......
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment