Sunday, March 23, 2008

Jayson P. Caluyong

“questions are more important that answer cause answer just leads to another question”

- Carl Jaspers


Tao1:ano ginagawa mo sa harap ng computer?
Tao2:nagiinternet
Tao1:Bakit ka nagiinternet?
Tao2:Nagbabasa ng blogs.
Tao1:Bakit ka nagbabasa ng blog?
Tao2:Pinagawa ko sa mga estudyante ko.
Tao1:Bakit mo pinagawa ng blog ang estudyante mo?
Tao2:Para malaman ko kung may natutunan ang mga estudyante ko!
Tao1:Bakit gusto mo malaman kung may natutunan?
Tao2:Pakialam mo ba?! Sapakan nalang!
Tao1:bakit gusto mo ng sapakan?
…at walang katapusan question and answer portion...

PILOSOPO

Ang pilosopo ba nagaral ba ng philosophy?
Sabi ng prof. ko kahit daw wag na magaral ng philosophy basta matanong ka lang pede ka nang tawaging pilosopo.
Philosophy?
Anu nga ba ang Philosophy?
Philosophy = science of first causes principles, reason of all things in the like of human reason alone o simpleng “science of everything” ayon sa prominenteng pilosopong si Aristotle. Actually, marami pang ibat ibang deskripsyon ang salitang pilosopiya na makakapagpadugo ng ilong meron pa ngang nagsabi na ito ay “divine science” kasi daw kung ang pilosopiya daw ay science of first cause, ibig sabihin kelangan isama sa usapan ang Diyos na syang lumikha sa lahat. Ang dugo no? Mahirap nga daw magaral ng Philosophy, dami nga daw bumabagsak dun eh. Pero sabi ng prof. ko at ng imbisibol nyang kaibigan madali lang daw un.
Eto ang mga natutunan ko first ito yung ethylogical meaning ng philosophy.
Philos – love
Sophia – wisdom
Ibig sabihin pala “love of wisdom” di ba andaling intindihan at tandaan, ibig sabihin kung philosophy ay love of wisdom e di ang philosophers ay “lover of wisdom”.
Madali lang naman daw ang pilosopiya, umiikot lang ang pilosopiya sa pagtatanong.
Maraming branches ang pilosopiya pero ang main branches nito ay 4 lamang ito ay ang ethics, episthimology, metaphysics at logic.
Una ethics ito ay study of morality, study of what is good or bad wala ng tanong dyan kasi napapagaralan naman yan sa aming kurso.
Pangalawa episthimology deals with the study of knowledge naman o critic of knowledge.
Pangatlo metaphysics of fundamental concept of man, medyo hindi ko sya naintindihan buti nalang pinaliwanag sa amin ang ethylogical meaning ng metaphysics, ibig sabihin pala ng meta ay after, at ang physics ay physical science means after science parang sobrang layo na pedeng intindihin daw ng utak ng tao yun kelangan intindihan pero exaggerated lang ako. Napaliwanag naman sa amin ng mabuti yun, ang pagkakatanda ko gumamit pa si sir ng example nagtanong sya sa amin kung makapangyarihan ang Diyos, kaya nya bang gumawa ng bato na hindi nya kayang buhatin?
Pangapat logic, logic is the science of correcting thing and imperential reasoning o ito ang pagaaral ng kung anung tama at tamang pagdadahilan sa mga bagay bagay.

Kung iisipin, hindi naman ganun kahirap ang pilosopiya kung iintindihin mo lang ng mabuti ang mga itinuro ni sir at kung nakinig ka talaga hindi ka magkakaproblema sa pilosopiya, wala kang dahilan para bumagsak sa philosophy.

Sa panahon ngayon ang pilosopiya ay hindi lang basta subject na dapat pagaaralan ang philosophy, dapat na isa isip ito at isa puso gabay ng apat na disiplina ng pilosopiya. Mahalaga ang pilosopiya para intindihin ang mga bagay na dati wala kang pakia alam na tipong example basta ka nalang magdedesisyon ng mga bagay ng hindi mo man lang pinagiisipan, at pra malaman mo ang pinagmulan ng bagay bagay at dahilan bakit ito nalikha at kung papano ka dapat magreact sa kung anu mang bagay o pangyayaring nalikha .

Yun lang po bow.(palakpakan)

No comments: