Monday, March 24, 2008

Joan V. Carreon

Philosophy? Isang salita na napakaraming kahulugan. Isa na rito ang "Philosophy is the science of first causes principles, reason of all things in the like of human reason alone, simpleng "science of everything" ayon na rin sa prominente at napakatanyag na pilosopong si Aristotle. Gayundin naman ayon na rin sa mga kwentong barbero at mga kwentong kutsero, ito rin daw ay isang "divine science"bakit? dahil narin daw ang pilosopiya ay science of first cause, ibig sabihin daw kailangan isama sa usapan ang Diyos na siyang pinakamakapangyarihan sa lahat. Ayon naman sa mga GEEKS at HIGHLY INTELLECTUAL PEOPLE ang philosophy daw ay syensa na tumutukoy sa sintesis ng lahat ng pagkatao or learning. At dahil na rin sa kanilang taglay na katalinuhan, nahati nila ito sa apat, ito ay ang lohika(logic), etiko(ethics), aesthetics, metapisiko(metaphysics) at epistemologo(epistemology). At binigyan din nila ito ng kanya-kanyang pagpapakahulugan. (IPINAUUBAYA KO NA SAYO ANG PAGHAHANAP NG KAHULUGAN). KUNG NAIS MO'Y BISITAHIN MO NA LANG ANG http://boa34ontheweb.blogspot.com/ o kaya nama'y kapag may athritis ka na at nais mong mapadali ang iyong buhay este pagbisita sa website ay pindutin mo na lamang ang http://www.boa34ontheweb.blogspot.com/


Teka...teka.. nakalimutan ko na ito nga pala ay tungkol sa CONTEMPORARY PHILOSOPHY. PHILOSOPHY PALANG ANG NABIBIGYAN KO NG MALUPIT LUPIT NA kahulugan na kahit ako ay nahirapang intindihin. Contemporary, kung tatanungin mo ang mga natural na tao, hindi ka nila kaagad masasagot kasi naman di ba CONTEMPORARY, eh parang mga elitista at mayayaman lang ang nakakaalam non. Ngunit, nang ako'y magsaliksik mula kay Mr. WEBSTER ang CONTEMPORARY pala ay simply "MODERN" o makabago kung tawagin.


Napakalawak ng MODERNONG PILOSOPIYA kung tutuusin maari itong maging kasing lawak ng GALAXY kung saan kabilang ang EARTH, ang EARTH kung saan tayo ay kumakain, humihinga at nagpapakasasa sa yamang hindi naman atin. Kung ito ay hihimay-himayin mo at iisa-isahin napakasimple lamang pala ng patutunguhan ng lahat ng ito. Oo, tama ka tsong! ginagamit lang talaga ang UTAK dito, Rak en rol :)

No comments: