Monday, March 24, 2008

Charlene P. Nera

Kontemporaryong Pilosopiya


Sinasabing ang pilosopiya ay likas na mahalaga sa pang araw-araw nating pamumuhay sapagkat likas sa isang tao ang pagtatanong sa mga bagay na hindi maipaliwanag ng sarili lamang. Kung kayat kinakailangan niya ang opinyon ng iba upang maliwanagan ang mga pag-aalinlangan sa kanyang isipan.

Sa pilosopiya natin nalalaman kung anong pinagkaiba ng mabuti sa masama, o ng tama sa mali. Sa panahon ngayon, mas nagiging interesado ang mga kabataan na pag-usapan ang mga isyu tungkol sa pakikipagrelasyon sa isa't isa, sa mga kaganapan sa telebisyon lalung lalo na ang mga maiinit na intriga sa buhay ng ibang tao kaysa sa mga bagay na mas kailangan nating malaman at bigyan ng pansin tulad na lamang ng pagpapaunlad ng kaalaman sa wastong pag-uugali at pagpapalago ng kaalaman sa mabuting gawain at salita ng Diyos. Ito ang mga bagay na nararapat nating unahin kaysa sa anu pa man. Ito ay isa lamang pagpapatunay na hindi sapat ang ating kaalaman sa kung anu ang tunay na kahulugan ng pilosopiya sa buhay ng bawat isa.
Hindi mahirap pag-aralan ang pilosopiya sapagkat kung uunawain mo lamang ang mga aral na nais ipahatid nito, tiyak na maisasagawa mo ng ayos ang mga bagay na gusto mong gawin. Dito mo rin matutuklasan ang mga katohanang nagaganap sa pang araw-araw nating pamumuhay. Ito ang mga katotohan na hindi lamang sa ibang tao o sa iyong kapaligiran kundi ang mga katotohanan sa tunay mong pagkatao at kung ano ang tunay na papel mo sa mundong ito.
Sa tulong din ng pilosopiya napapatalas ang ating isipan na tumutulong upang mabigyan natin ng mabilis, tama at may saysay na kasagutan ang mga tanong na ibinabato sa atin ng sinumang nilalang.

Isang katotohanan na tayong mga Pilipino ay iba iba ang paniniwala at pananampalataya na isang dahilan sa kawalan ng matibay na pagkakaisa sapagkat hindi sapat ang pagkakaisang ipinapakita natin na dahilan upang hindi natin makamtan ang minimithi ng bawat isa. Ngunit hindi natin masisisi ang bawat nilalang sa kung anong paniniwala ang kanilang papanigan na sa kanilang palagay ay makakatulong sa kanila upang maging mabuti sa kanilang kapwa.

Sana ay maunawaan ng bawat isa kung ano ang tunay na kahulugan ng pilosopiya sa buhay ng tao. At sana ay maging mabuting gabay ang pag aaral nito upang matagpuan ng bawat isa ang tunay na kabutihan at katotohanan na na tiyak na makatutulong sa kanila upang maging isang mabuting nilalang hindi lamang sa pansariling kapakanan kundi pati na rin sa kanyang kapaligiran at sa bawat isa.








No comments: