Sunday, March 23, 2008

Joie Eli M. Sagasayan

Ano nga ba ang Contemporary Philosophy?

Sa aking pagkakaintindi, ito ay tumutukoy sa mga bagay-bagay na pumapasok sa isip ng bawat tao. Lahat ng tao ay may kanya kanyang pananaw, paniniwala, saloobin, at opinyon. Dahil sa ang tao ay iba't iba ang pag-iisip, marami silang mga bagay na nais nilang ibahagi sa ibang tao na maaring hindi paniwalaan ng iba. Tinatalakay nito ang mga bagay tungkol sa kultura moralidad ng tao at halos lahat ng bagay.

Ang pilosopiya ay sadyang mahirap talagang bigyan ng isang depinisyon na pedeng gamitin na pang-universal na meaning na maaring ilagay sa diksyunaryo dahil lahat ng tao ay may kanya-kanyang pagkakaintindi sa pilosopiya base sa kanilang mga karanasan.

Base sa aking napag-aralan sa philosophy ang mga pilosopo ay mga taong nag-mamahal sa tamang kaalaman, kaya sa panahon natin ngayon ay maraming maaring nagbago sa pilospiya ng mga tao, dahil sa bawat henerasyon ay maraming nababago sa ating mundo tulad ng pag-uugali ng bawat tao. Sa bawat katanungan ay nais ng tao ang maganda at tamang kasagutan, sa bawat pagtatanong ay nagiging pilosopo ang isang tao at ito ay nagiging daan upang mabigyang linaw ang isang bagay.

Maraming bagay na mahahalagang ang pinag-uusapan na pinag-tatalunan ng iba't-ibang mga grupo ng mga tao tungkol sa mga pag-uugali ng tao lalo na sa moralidad, dahil sa pilosopiya ay nabibigyan ang mga tao ng dahilan para mabigyan ng tamang paliwanag ang dahilan kung bakit iba- iba ng kanilang moralidad.

Para sa akin ay masarap ang maging pilosopo dahil marami kang matututunan at matututo ka paganahin ang isip mo. Kapag may problema ay kaya mong makagawa ng paraan kahit na mali para sa iba ang naisip mong paraan, basta kaya mong bigyan ng palusot ang isang bagay mananatili paring tama para sayo ang bagay na ginawa mo. Kaya para sa akin napakalaking tulong sa buhay ng tao ang pilosopiya.

No comments: