Sunday, March 23, 2008

RACQUEL O. ROQUE

CONTEMPORARY PHILOSOPHY

Kontemporaryo – nagaganap o nangyayari sa iisang panahon o pagkakataon

Pilosopiya – palagiang pagtatanong upang maliwanagan o maunawaan ang mga bagay-bagay sa iyong paligid.

Sa panahon ngayon, maraming pagbabago ang nagaganap lalung-lalo na sa larangan ng siyensya, teknolohiya, at socio-politikal. Ang mga ito ay nakagagawa ng mga panibagong problema at ideya na nakakalikha naman ng debate.

Ang Contemporary Philosophy ay may kinalaman sa mga bagay-bagay, proyekto, tema, artikulo at mga teoryang naiisip at pinagde-dibatihan ng mga pilosopo sa panahon NGAYON kaysa doon sa mga isyung kinunsidera nila NOON.

Sa kasalukuyan, ang mga pilosopo ay isinuko na ang mga ideya na ang silbi o gamit ng siyensya ay tuklasin kung “ANO BA TALAGA ANG MUNDO?.” Sa halip, mas pinahahalagahan nila ang mga isyu sa panahon ngayon na maaring makapagpabago ng kasalukuyan o ng hinaharap.

Yun ang pagkakaunawa ko sa kahulugan ng Contemporary Philosophy at iyon ay ayon na rin sa mga pagsasaliksik na aking ginawa. Simple lang naman iyon diba?

No comments: