Sunday, March 23, 2008
Ma. Christina E. Encluna
Pilosopiya ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan.Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philo" at "Sophia". Ang "Philo" ay nangangahulugang "Pagmamahal" at ang "Sophia" naman ay "Karunungan". Kung pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa Karunungan". Kung kaya't ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay linaw, kasagutan at karagdagang karunungan sa nagtatanong.Kabilang sa itinatanong ng mga pilosopo ay ang mga sumusunod:Metapisika: Anong uri ng mga bagay ang umiiral, mga bagay na meron? Ano ang kalikasan ng mga bagay? Meron bang mga bagay na umiiral kahit na hindi natin nadarama? Ano ang kalikasan ng kalunanan at kapanahunan? Ano ang kalikasan ng kaisipan at pag-iisip? Ano ba ang kahulugan ng pagiging isang tao? Ano ba ang kahulugan ng kamalayan? Meron bang diyos?Epistemolohiya: Meron nga bang kaalaman? Paano natin nalalaman na may alam tayo? Paano natin malalaman na may iba pang nakapag-iisip?Etika: Meron bang pagkakaiba ang matuwid at mga imoral na mga gawain (o pagpapahalaga, o institusyon)? Kung meron, anong uri ang pagkakaibang ito? Anong mga gawain ang matuwid? Anong pinapahalagahan ang sukdulan, o may-kaugnay lamang? Gamit ang mas malawak o mas eksaktong paraan ng pagtalakay, paano ako dapat mabuhay?Nakatuon ang mga pangkaisipang-modelo (paradigm) ng pilosopiya sa mga pangunahing konsepto tulad ng pag-iral o pagmemeron, moralidad o kabutihan, kaalaman, katotohanan, at kagandahan; kadalasang tinatalakay ng mga pilosopo ang mga mabigat na katanungan sa mga kalikasan ng mga ganitong konsepto — mga katanungan na mahihirapang talakayin sa mga espesyal na mga agham.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment