Sunday, March 23, 2008

Ma. Delma Soledad B. Cabreros

Ma. Delma Soledad B. Cabreros BOA III-4d

Philosophy? Sa unang rinig ko pa lang ng salitang ito ay nawindang na ako. Ang pagkakaintindi ko kasi sa Philosophy e talagang may kaugnay na sa salitang “Logic”. Pero ano nga ba talaga ang Philosophy at ano ang ugnayan nila ni Logic?

Sa aming pagtahak sa mundo ng Philosophy, ang logic pala ay isa lamang sa mga sanga nito.

Ang Philosophy ay isang kahanga-hangang asignatura. Nakakatuwang pag-aralan ang Philosophy. At hindi ko inakalang magugustuhan ko ang asignaturang ito. Maraming akong nalaman tungkol sa iba’t ibang bagay, ang pagkakapareho nito at ang mga pagkakaiba, lalo na sa pag-iisip.

Sa unang rinig talaga ng Philosophy, naisip kong mukhang mahirap ito. Napag-isip-isip ko, kung hindi siguro magaling ang magiging propesor namin sa asignaturang ito e wala akong maiintindihan. Mabuti na lamang at ang aming propesor ay magaling magturo ng Philosophy.

Aking napagtanto na ang Philosophy ay hindi dapat talaga kinatatakutan. Ito ay isang simpleng asignatura lamang na ginagamitan ng utak at pag-intindi. Huwag nating pahirapan ang ating sariling intindihin ang mga simpleng bagay. Ito ang gustong ipahatid sa atin ng Philosophy, wag nating gawing kumplekado ang mga simple bagay at wag nating pahirapan ang ating sarili. Sa madaling salita, mas pinadadali ng Philosophy ang pag-intindi natin sa mga simpleng bagay. At kapag naintindihan mo na ito ay mapapadali din ang pag-intindi sa iyong buhay.

Hindi ko na kailangan pang ilista ang mga naitutulong ng asignaturang ito. Nararapat lang nating tandaan na lahat ng bagay ay may dahilan, at hindi isasama ang asignaturang ito sa ating kurso kung wala itong mahalagang parte sa ikabubuti ng isang estudyante.

Lahat tayo ay may karapatang malaman ang lahat, wag nating pigilan ang ating sarili na alamin ang tunay na kahulugan ng Philosophy at kung ano ang kaugnayan nito sa ating buhay.

http://bilzdelmz19.blogs.friendster.com/my_blog/

No comments: