Sunday, March 23, 2008

Veronica B. Tolentino


Pilosopiya, isang salita na sa unang dinig ko pa lamang ay natakot na akong ituloy ang pagkuha nito sa taong ito. Marami kasi akong narinig na nag-sasabi na nakakaloka nga raw ito. Lalo na ang Logic. Sa pagdaan ng panahon na aming tinatalay ang bawat detalye ng mga kahulugan na sinasaklaw nito dumating ang panahon na lalo kung napagtanto na hindi pala talaga ito madali tulad ng sinasabi ng marami.

Pero sa mga panahon ding lumipas, may isang bagay akong napagtanto sa aking sarili, at iyon ay ang matutunang gustuhin o mahalin ang bawat bagay na iyong ginagawa o pinag-aaralan upang maunawaan ang mga ito.

Tulad ng Pilosopiya. Salamat din sa aming guro na nagtiyaga at pinaunawa sa amin ang Pilosopiya ng mas mababaw kaysa sa aming inaasahan.

Ang pilosopiya ay ang pag-aaral sa lahat. Pagbibigay ng rason sa mga bagay-bagay at sa buhay ng tao. Pinakamtaas na antas ng siyensa. Simpleng pag-tatanong, pag-hahanap ng kasagutan sa mga tanong.

Ang Pilosopiya ay may apat uri ng pag-aaral;
Ang Etiks, Epistomolihiya, Metapisiks, at Logic…

Etiks- tumutukoy sa pag-aaral ng moralidad ng isang tao kung ito ba ay mabuti o masama. Tumutukoy din ito sa pag-aaral sa ating kalikasan at sa pamumuhay pati ng mga hayop.

Epistomolohiya- ang pag-aaral tungkol sa pinag-mulan o kung saan nga ba nag-simula ang kaalaman ng tao. Naging malaki ang kontribusyon nito upang mabigyan ng ideya ang unang paniniwala sa pinagmulan nito.

Metapisiks- tumutukoy sa pag-aaral sa konsepto ng mga tao.

at Logic- ang siyensa at sining tamang pag-iisip at pag-bibigay ng rason sa mga tanong.

Ilan lamang ang mga ito sa mga tinalakay naming sa nagdaan na panahon.

Kung iisipin nga naman, mahirap ito ngunit kung may tamang pag-gabay at pag-unawa dito hindi magiging mahirap ang pag-unawa dito. Basta may sikap at tiyaga ka lang…

Magtanung ka ng mag-tanong at sinasabi ko sayo isa ka nang

CERTIFIED PHILOSOPHER!!!!

No comments: