Sunday, March 23, 2008

Jonna C. Navida

Kontemporaryong Pilosopiya

May mga katanungan ka bang di mo masagot?
May mga kinatatakutan ka bang di mo alam kung saan nagmumula?
Minsan ba'y nagtataka ka kung bakit tumululo ang iyong luha ng walang dahilan?
Sa mga suliranin at balakid, kanino ka humuhugot ng lakas, Hindi ba't tinatawag mo ang Diyos?

Tunghayan natin kung paano naka-tutulong ang napapanahong pilosopiya sa mga katanungang iyan sa itaas sa pagbabasa mo sa blog na ito...........

Uumpisahan ko sa pagpapakahulugan sa "Pilosopiya".

Ang pagpapakahulugan sa buhay, mga sanhi ng mga bagay at pangyayari at paggamit ng katuwiran, ay may kaugnayan sa Pilosopiya. Ang salitang pilosopiya ay nagmula sa dalawang salita philos na ang ibig sabihin ay "ang pag-mamahal" at ang sopphia na nangangahulugang "Kaalaman". Sa madaling salita ito ay nangangahulugan ng pag-ibig sa kaalaman o karunungan.

Binigyang pansin ng mga sinaunang pilosopo ang kalikasan, ang paraan ng katarungan, kapangyarihan at kaalaman, ang tamang gamit ng katwiran at ang pamantayan ng kung ano ang kabutihan at kagandahan. Tinangka nilang hanapin ang kasagutan sa maraming suliranin sa pamamagitan ng pag-aaral ng batas ng kalikasan, pagsusuri ng kalikasan ng tao at sa pamamagitan ng mapanuring pag-uusap.

"Ang mga tao ay likas na mapag-isip, mapagtanong at mapang-usisa" tulad ko, hindi ko alam ang pilosopiya noon. Sa aking kamusmusan minsan naitanong ko sa aking mga magulang ang mga tanong na ito San ba nagmula ang tao?, Sino ang lolo ng lolo ng lolo mo itay? pag namatay ako san ba ako mapupunta?, At bakit kulay asul ang langit? Parang napaka hirap ipaliwanag ang lahat ng mga iyan sa isang batang hindi pa lubusang bukas ang pag-iisip sa mga bagay-bagay. Nang minsang may bumato sa akin gitna mg aming paglalaro, namalayan ko nalang na akmang babato na ako ng bigla kong nakilala si Confucius ang Pilosopong pinaka bantog sa Tsina, isang taong may paniniwalang ang pagkakaroon ng mabuting lipunan ay nakasalalay sa mabuting pamahalaan at hindi sa pagtatamas ng maginhawang pamumuhay, at naniniwala siya na ang tao ay likas na mabuti at upang hindi makapangyari ang kasamaan, dapat na linangin ang magagandang katangian tulad ng paggalang sa mga magulang at matatanda, pagkakawanggawa at lakas ng loob. Paano ko siya nakilala? Agad akong pinigilan ng tatay ko at sinabing "Huwag ka ng gumanti, ayaw mong gawin yan sa iyo ulit diba? " Ito ay ayon daw sa gintong aral ni Confucious na "Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo".

Tuluyan pang lumalim ang pagkaka-intindi ko sa Pilosopiya, nalaman kong lahat ng tao ay may kanya-kanyang pilosopiyang pinaninindigan, maging ito man ay masama o mabuti, na kapag nag-aaral ka ng pilosopiya; nag-aaral kanarin ng likas na siyensya o agham, Ika nga ni Aristotle "Ito ay ang Agham ng lahat, Ang siyensya ng pinagmulan, at ang dahilan ng lahat bagay sa pagkakaroon ng buhay ng tao. Nalaman ko na mayroon palang Apat na Sangay ng Pilosopiya ito ay ang

1. Etika - Sangay na tumatalakay sa Moralidad, kung ang kilos ay mabuti o masama sa pamantayan ng isang lipunan.

2. Epistemolohiya - Sangay na umaalam sa pag-aaral ng kaalaman ng tao. Nagtatakda ng mga tanong kung saan nagmula ang kaalaman?, Mayroon bang katiyakan ang kaalaman ng tao?, at kung paano matitiyak kung may katiyakan ba ang kaalaman?.

3. Metapisika - Sangay na may kinalaman sa lahat ng bagay na may kinalaman sa konsepto ng tao. Ito ay ang mga hindi materyal na bagay at hindi konkreto tulad ng "Diyos".

4. Katuwiran (Logic) - Agham at sining ng tamang pangangatwiran.

Lumalawak na nga ang pagkaka-intindi ko sa Pilosopiya ngunit hindi parin sapat para maintindihan ang lahat ng bagay tulad ng pagkaka-intindi ng mga taong iginugol na ang buong buhay sa pag-aaral nito. Tunay ngang makabuluhan ang pilosopiya sa buhay ng bawat isa, sa ikabubuti ng pamumuhay ng isang tao pati narin sa ating lipunan kung magagamit natin ito sa pamantayan ng batas ng Diyos.

Hindi parin naman naiiba ang pilosopiyang ipinakilala sa atin ng mga iskolar noong unang panahon. Ito parin ang itinuturo sa mga paaralan kung saan hindi na lamang ang mga mayayaman at mga matatalino ang nakikinabang.
Sa pagsagot sa mga katanungan sa itaas maari mo ng gamitin ang mga natutunan mo sa pagbabasa nito o kaya naman ay maari mo ring gamitin ang kakayahan mo sa pag-iisip, gamitin ang iyong sentido para makabuo ng sagot na ikaw lamang ang makagagawa at ikaw lamang ang makatutulong upang maibsan ang mga suliraning iyong kinakaharap.

No comments: