Monday, March 24, 2008

Christoper Clemente

"Pilosopiya" isang simpleng salita ngunit may malawak na kahulugan na. Isa ding asignatura sa paaralan na kung saan ang mga estudyate ay hirap natutunan dahil na nga sa lawak ng sakop nito.

Ayon sa aking natutunan.. ang pilosopiya ay mula sa salitang Griyego na, Philo, at Sophia na ang kahulugan ay "pagmamahal sa karunungan." Ito ay umiikot sa pagtatanong upang maibsan ang mga bagay na gumugulo sa ating isipan. Ito ay nagsisimula sa pagtataka ng isang indibidwal sa mundong kanyang ginagalawan. Nagkakaroon siya ng mga tanong sa kanyang isipan, at ang tao ay naghahanap ng sagot at katotohanan sa kanyang mga tanong. Mula dito ay pumapasok na ang Pilosopiya.

Sa pag-aaral din ng Pilosopiya ay may mga disiplinang pinapairal. Isa na rito ang Metapisika.
Ang metapisika ay tumutokoy sa agham pangkalikasan tulad ng pisika, sikolohiya at ang biyolohiya ng utak at sa mistisismo, relihiyon at mga paksang espirituwal.

Ang ikalawang sangay nito ay ang epitemalohiya. Ito ay tumatalakay tumatalakay sa kalikasan, pinagmumulan at saklaw ng kaalaman.

Sa etika naman, ito ay tumutukoy sa pangkalahatang termino na madalas inilalarawan na "agham ng moralidad". Sa pilosopiya, ang etikal na pag-uugali ay ang "kabutihan".

Ang huli ay ang lohika. Ang lohika ay ang siyensya ng tamang pag-iisip at pagdadahilan.

Para din sa akin, ang pilosopiya ay isang walang katapusang pag-aaral sa mundo. Masasabi ring ito ay walang sawang tanungan at pagtuklas ng katotohanan na mayroong mabisang basahen. Ito ay walang hanggang tanungan sa pagitan mo at ng mundo. Dahil habang ikaw ay nagtatanong at may sumasagot ay mayroon uling mabubuong tanong buhat sa iyong sagot.

Ayon sa aking napag-aralan, masasabing lahat ng tao ay isang pilosopo.... Dahil base sa aking nasubaybayan at nakikita sa aking pang araw araw na pamumuhay ang bawat tao ay may kanya kanya tanong. At ito ang malaking ebidensya na ang ikaw o sino man dito sa mundo ay isang "Certified Philosopher."

At masasabi ko rin na bilang tayong lahat ay pilosopo, tayo ngayon ay nagkakroon ng kompitensyon sa pagtuklas ng kung ano nga ba ang katotohanan dito sa mundo na mayroong matibay at progresibong pakatotohanan sa lahat ng iyong patunay at sagot.

Oo nga't mahirap intindihin ang simpleng salitang ito, ngunit habang dahan dahan mong nauunawaan ito, ay marahan mo na ring natutuklasan ang salitang "MUNDO."

No comments: