Sunday, March 23, 2008

MARY GRACE C. ISRAEL

SI PILO SA BAGONG MILENYO

Sinasabing ang pagaaral ng Pilosopiya ay pagaaral na rin ng pangkalahatang siyensya. Naguugat sa mga tanong, kung saan ito ang kalikasan ng Pilosopiya, ang bawt kasagutan. Kung wala ang mga katanungan walang dapat sagutin at wala rin ang salitang Pilosopiya. Sa lahat ng siyensyang umusbong sa ating kapanahunan ay may kaakibat na pilosopiya.

Kamusta na nga ba ang Pilosopiya sa panahong ito,panahong bagong milenyo?

Sa dami na nga maga pagbabago sa mga taong nakalipas, nakatitiyak akong mas lalong yumabong ang gamit ni Pilo(pilosopiya) sa ating buhay.

Paano makakapagimbento ang isang imbentor kung walang Pilosopiya. Saan at ano ang pagmumulan ng kanyang mga ideya? Paano manggagamot ang mga doktor kung wala si Pilo na pagkukunan ng pilosopiya ng panggagamot? Makakalikha ba sila ng lunas sa mga karandaman kung walang paguugatan ng mga katanungan at maging kasagutan tungkol sa medisina. Ang mga abugado kaya ay makakapagsalita ng tama at maayos kung walang Pilo na basehan ng kanilang mga sasabihin? Paano naman ang mga guro kung wala si Pilo? Ang mga taktika nila sa pagtuturo ay malamang na may pinaghanguang mga Pilosopiya. Maging tayong mga estudyante o simpleng mamamayan ay mahalagang makilala si Pilo. Kahit sa simpleng mga gawain gaya ng pagluluto, pagpili,o pagkain ay nangangailangan ng pilosopiya.

Ngayon masasabi kong napakalaki ng papel ni Pilo sa bagong milenyo. Sya ang gabay ng mga tao sa modernong panahong ito.

Katulad nya ay ang isang guro na puno ng aral hindi lamang sa larangan ng etika at lohika, maging sa epistemolohiya at metapisika.

No comments: