Sunday, March 23, 2008

Vea Dorothy Y. Saavedra

Kontemporaryong Pilosopiya
Ang Kontemporaryong Pilosopiya ay tumatalakay sa kung ano ang mas kinokonsider ng mga pilosopo ngayon kaysa kung ano ang kinokonsider nila noon. Ang kasaysayan ng Pilosopiya ay laging kontemporaryo, na kung saan ang mga tao'y sinasabing ang Kontemporaryong Pilosopiya ay nakatadhanang magiging basura lamang sa hinaharap. Kompara sa pag-aaral ng kasaysayn ng Pilosopiya, ang Kontemporaryong Pilosopiya ay pagsasayang lang daw ng oras. Sinasabi nilang ang pag-aaral ng Kontemporaryong Pilosopiya ay dapat isantabi. Ngunit para sa akin hindi dapat isantabi dahil napakaimportante nito. Bakit? Kasi ang pangkasalukuyan ang mas importante. "Past is past" ika nga.

Tignan natin ang kapaligiran. Marami na ang mga pagbabago. At sinasabi ng mga matatanda na ang hirap ng buhay noon. Kaya nga napakasuwerte nating mga kabataan ngayon marami nang nabago dahil sa teknolohiya. Wala nang pakialam ang nakaraan dahil mas maginhawa na ang pamumuhay ngayon.

Ngunit mas madali ngang pag-aralan ang Kasaysayan ng Pilosopiya kaysa sa Kontemporaryong Pilosopiya dahil sa mga teorya at kanya kanyang kahulugan ng Pilosopiya gaya nina Aristotle, St. Thomas Aquinas at Carl Jaspers.

Lahat tayo ay pilosopo. Ang pagtatanong ay napakaimportante sa Pilosopiya. Mas importante pa nga ang katanungan kaysa sa sagot dahil ang sagot ay nakakagawa lamang ng walang katapusan katanungan.

Mahalaga ang ating buhay. Marami na tayong napagdaanan ngunit gayun pa man heto pa rin tayo at nakatayo sa sarili nating mga paa. Mas mahalaga ang pangkasalukuyan dahil na natin puwedeng ibalik ang nakaraan. Ang pagsisisi ay laging nasa huli. Ang mahalaga ay ang ngayon. Gawin nalang nating magandang alaala ang nakaraan. At gawing guro ang napagdaanan at mga eksperyensiya.

Ang pag-aaral ng Kontemporaryong Pilosopiya ay di dapat ipagwalang bahala....



No comments: