Sunday, March 23, 2008

NERISSA N. NATALIO

CONTEMPORARY PHILOSOPHY

Kapag nabanggit ang salitang "Pilosopiya", ano nga ba ang unang pumapasok sa ating isipan? Sigurado akong madami tayong naiisip kaugnay sa nasabing salita. Iba't-iba din ang mga binigay na kahulugan tungkol dito. Isa sa mga ito ay, ang Pilosopiya ay umiikot sa isnag disiplina ukol sa mga katanungan kung paano mabuhay ang isang tao. Madami ding mga bantog na tao sa larangang ito ang nagbigay ng kanilang mga pakahulugan. Una na dito si Aristotle na nagsabi na ang Pilosopiya ay ang siyensa ng lahat ng bagay. Kabilang din sina St. Thomas Aquinas, Carl Jaspers sa mga taong may sarili nilang pakahulugan ukol dito.

Ngunit ngayon, ano na nga ba and Pilosopiya para sa atin? Napapansin pa ba ito? Oo naman! Hindi ito maisasantabi ng tao. Kumbaga parte na ng buhay natin ito. Sabi nga di ba na ang Pilosopiya ay ang paghahanap sa katotohanan? Marami tayong maihahalimbawa o maiuugnay sa bagay na ito. Sa dinami-dami ng mga kaganapan ngayon sa ating paligid, sa ating bansa, hindi nga ba't may bahagi nito ay may kaugnayan din sa Pilosopiya? Ang pagrarally ng mga mamamayan laban sa pamahalaan, ang patuloy na pagdinig ng mga iba't-ibang kaso, maging ang simpleng pagtatanong ng isang bata sa kanyan ina ng mga bagay-bagay, hindi ba parte din ito ng Pilosopiya? Dahil lahat ng ito ay naghahanap ng katotohanan.

Ang Pilosopiya noon at ngayon ay magkasing tulad din, parehong may tanong, parehong may sagot. Ang kaibahan nga lang, mas lalong nalinang ang kaalaman natin ngayon sa Pilosopiya, mas lalo na tayong naging mapagtanong, at higit sa lahat mas lalo ng lumakas ang ating loob para sa mga kasagutang makatotohanan.

No comments: