"Kamusta ka na?" "Masaya ka ba ngayon?" "Kumain ka na ba?" Sandali lamang, may kaugnayan ba ang mga tanong na ito sa "Contemporary Philosophy"?
Ang dami ko bang katanungan? Ooops, nagtanong na naman ako! Naalala ko tuloy yung sinabi ni Sir Viray, guro namin sa Pilosopiya, kapag nagtanong ka daw kahit na simpleng katanungan lamang ay maari ka ng tawaging "pilosopo" o "philosopher" sa ingles. Dahil likas na sa pilosopiya ang pagtatanong. Ayon kay Carl Jasper na isang philosopher, mas mahalaga daw ang mga katanungan kaysa sa mga kasagutan. Isa pa ang mga kasagutan daw ay magdadala sa'yo sa panibagong katanungan. Nakatutuwang isipin na may tao na makapagbabalangkas ng konseptong ito, at sigurado ako na may mga naniniwala dito at baka meron ding hindi. Sa aking pananaw, ito ay may bahid ng katotohanan. Halimbawa na lang kung magtanong ako ngunit walang maisagot na tiyak ang tinanong ko, papasok agad sa isip ko, "Bakit?" at "Ano ba yan?". Ngunit maaari din na kapag walang maisagot sa katanungan, tatanggapin na lang ito ng nagtanong.
Sa araw-araw pala natin na buhay hindi natin namamalayan na nagagamit natin ito, at nagiging "philosopher". Haay! Sadyang ganito pala ang "Pilosopiya". Asahan na natin na lagi natin itong mararamdamab, maririnig, at gagawin kahit hindi natin sinasadya. Hindi tayo tatantanan ng "Pilosopiya"!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment