Sunday, March 23, 2008

Jamaica N. Reyes

Contemporary Philosophy
Sa aking palagay hanggang ngayon ay marami pa ring tao ang walang sapat ng kaalaman tungkol sa pilosopiya, at hindi nakakaalam ng tunay na kahulugan nito.
Ako bilang isang estudyante ay isa sa mga walang kaalaman tungkol sa pilosopiya. Nang malaman ko na isa ang pilosopiya sa mga asignatura namin tinanong ko agad kung ano ang kahulugan nito, noong una inakala ko na ito ay hindi interesante at mahirap. Hinusgahan ko ito base sa mga sinasabi ng ibang mga tao na wala ring sapat na kaalaman ukol dito.
Nang simulan namin ang pagaaral tungkol sa pilosopiya, natuklasan ko na marami pa lang bagay na interesante na maaring malaman at matuklasan sa asignaturang ito. Sa katunayan lahat ng bagay ay sakop nito. Sa araw-araw nating pamumuhay ay may nagaganap na pilosopiya. Ang pagtatanong na araw-araw nating ginagawa ay ang nature ng pilosopiya.
Merong apat ng pangunahing sangay ang pilosopiya.
Una ang ethics o etika, tinalakay dito ang moralidad ng tao, ang pagkakaiba ng tama sa mali, kung paano nabubuhay ng maligaya ang isang tao, at ang mga bagay na nagpapaligaya sa kanila. Nabanggit ng aming propesor na ang bawat tao ay may magkakaibang pananaw sa buhay, batay ito sa moralidad na kanilang kinagisnan, ang isang bagay ay maaring mabuti para sa isang tao at masama naman para iba, hindi natin dapat husgahan ang mga taong nakikilala batay sa ating pananaw.
Pangalawa, metaphysics o metapisika (after physics), ito ay tumatalakay sa pinagmulan ng mga bagay batay sa realidad. Dito namin tinalakay ang existence ng Diyos, kung paano dinepensahan ni Aristotle ang kanyang mga pahayag ukol sa existence ni God.
Pangatlo, epistemology o epistemolohiya, ito ang sangay ng pilosopiya na tumatalakay sa kaalaman ng tao (knowledge), kung saan ito nagmula, kung paano ito lumalago.
Pangapat, logic o lohika, dito nagfocus ang aming talakayan. Ang sangay ng pilosopiya na ito ang tumatalakay kung tama ang nilalaman ng isang pahayag.
Sa pilosopiya mas mahalaga ang tanong kumpara sa sagot, ayon sa aming propesor lahat ng tao na may matinong pagiisip at maaring magtanong ay isa ng philosopher ng hindi na kailangan pang magtapos ng anu mang kurso. Ang pilosopiya din ay sinasabing "Divine Science". Sa pilosopiya hindi lamang mga bagay ang pinagaaralan, pinagaaralan din dito na totoong may Diyos. Pinagaaralan ang pinagmulan at dahilan ng mga bagay at sinsabi na ang pinakaugat ng lahat ay si God.
Ayon kay Bertrand Russell, isa sa mga makabagong philosopher "the point of philosophy is to start with something so simple as to seem not worth stating, and to end with something so paradoxical that no one will believe it."
Dahil maraming magagaling na philosopher ang nagaral, nagaaral, nagsaliksik, at nagsasaliksik tungkol dito ay mas madali na ngayon para sa mga tao ang intindihin at pagaralan ito. Mas madali na sa atin ngayon na alamin ang pagkakaiba ng philosophy sa iba pang field of science. Hindi mahirap ang pilosopiya kung alam mo ang tunay nitong gamit at kahulugan.

No comments: