Sunday, March 23, 2008

Charnie P. Galura

Ano nga ba ang pilosopiya? ang pilosopiya ay hango pa sa salitang greyego na "philo" na ang ibig sabihin ay pagmamahal at "sophia" na ang ibig sabihin naman ay karunungan ngunit sa pinaka simpleng depinisyon nito ang pilosopiya ay tumutukoy sa siyensya ng mga bagay-bagay. kaya naman sa pilosopiya kinakailangan na maging palatanong upang magkaroon ng pa ng isang malawak na kaalam sa mga bagay-bagay.

Ang pilosopiya ay may malawak na mga sangay ngunit sa kasalukuyan apat lamang dito ang pinaka binibigyang pansin. Una ay ang etika na kung saan ang pinag-aaralan ay ang moralidad. kelan nga ba nagiging tama o mali ang isang gawain? Meron bang pagkakaiba ang matuwid a mga imoral na mga gawain? pilosopiya. Ikalawa ay epistemolohiya dito ay pinag-aaralan ang mga kaalaman ng isang tao. Meron nga bang kaalaman? Paano natin nalalaman na may alam tayo? Ikatlo ay ang metapisika kung saan pinag-aaralan naman ang mga konsepto ng ating mga utak. anung uri ng mga bagay ang umiiral, mga bagay na meron? ano ang kalikasan ng nga bagay? At ang pang apat ay ang lohikal na tumutukoy naman sa pag-aaral ng mga pamantayan ng tamang lohikal na pakikipagtalo. Ang katangi-tanging paraan sa pag-aaral na ito ay ang pagpapaunlad ng pormal na lohika na sumasagisag at tumitimbang sa mga binibitiwang pangungusap sa pakikipagtalo; Proposisyunal na lohika, ang lohika ng mga karaniwang panlarawang pangungusap, ang katangi-tangi nitong paksa. (mas maliit na bahagi ang binibigyang-diin ng klasikal na lohika: ang kategorikal na pangangatwiran sa pamamagitan ng silohismo.) Ang mga mas mahirap na unawaing paksa sa lohika ay kadalasang karugtong ng pormal na lohika na sumasagisag sa mga lohikal na ugnayan sa mga iba't ibang aspekto/panig ng wika-- tulad mg modal na lohika, na tumatalakay sa mga modal na pang-abay na nagpapaging-dapat tulad ng "maaring" at "kailangang", o temporal na lohika, na tumatalakay sa mga lohikal na ugnayan na nakikita sa takdang pamanahon ng isang pangungusap.


Maraming nagsasabi na mahirap daw pag-aralan ang pilosopiya ngunit sa aking pananaw basta ikaw ay mahilig matanung madali mo na itong maiitindihan sapagkat sa mga tanung nagmumula ang mga kasagutan at sa pamamagitan din nito ay napapalawak pa natin ang ating kaalaman.......... yes tapuz na!!!!!hahaha

No comments: