Marami ang may impresyong mahirap intindihina ang Pilosopiya. Na ito raw para lamang sa mga taong matatalino. Ang iba rin ay ipinagsasawalang bahala ito dahil wala naman itong kinalaman sa ating buhay. Sa isang banda alam ba nila ang kahulugan ng salitan ito?
Ano nga ba ang Pilosopiya? Maraming kilalang mga Pilosopo ang nagbigay ng kani-kanilang pakahulugan tungkol dito, andiyan si Aristotle, St. Thomas Acquinas, Rene Descartes at Karl Marx na nagpakadalubhasa sa kani-kanilang kapanahunan. Ito ay pag-aaral tungkol sa paghahaanap ng katotohanan/kasagutan. Sa karaniwang tao maihahambing ang prinsipyo bilang pananaw sa buhay. Sinabi rin sa amin ng aming Professor sa asignaturang ito na kahit ika'y nagtatanong lamang ay maituturing ka ng isang Pilosopo. Bakit? Dahil sa pagtatanong ikaw ay naghahanap ng kasagutan.
Sa Contemporary Philosophy, masasabing mga malalaking usapin, sensitibo at komplikado ang tinatalakay rito. Gayunpaman ang mga naunang pilosopiya at ang pangkasalukuyang pilosopiya ay magkasinghalaga. Dahil lahat ng usapin sa Contemporary Philosophy ay may kaugnayan pa rin sa mga naung pilosopiya. May mga usaping din na hinahanapan pa rin ng kasagutan sa Contemporary Philosophy. Dito mas maraming tanong ang tao, mas mapaghanap ng kasagutan. Ang iba pa nga ay simpleng tanong lang, ngunit ang hirap sagutin. Kung masagot mo man ito, magkakaroon na naman ng panibagong katanungan. Kasagutan. Walang katapusang mga tanong at sagot. Mahirap at nakakapagod di ba? Ngunit nadadagdagan ang ating kaalaaman at napapa-unlad ang ating critical thingking ng di natin namamalayan. Yan ang epekto sa atin ng Pilosopiya.
Mga napapanahon ang usapin sa Contemporary Philosophy. Mas moderno na at mas malawak na rin ang pag-iisip ng mga tao. Dahil dito mas maraming pananaw ang pinagdedebatehan ng mga tao. Magkagayunpaman sa pagitan ng mga debateng ito nauungkat pa din ang mga usapin sa naunang pilosopiya, kaya sinasabing mgakakaugnay pa din ang mga ito. Mas malaya ang mga taong ipahayag ang kanilang mga pilosopiya ngayon. At mas malaking usapin ang nagagawa nito.
Ngayon masasabi pa bang mahirap ang Pilosopiya? Na ito ay para lamang sa matatalinong tao? Hindi natin inaalam ang pakahulugan ng salitang ito kaya tayo nahihirapan. Hindi natin alam na langi na pala natin itong nagagamit sa ating pang araw-araw. Masayang pag-aralan ang Pilosopiya. Kailangan lang ntin maging bukas ang ating pag-iisip, unawain ang mga bagay at maging totoo sa ating sarili.
Sunday, March 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment