Saturday, March 22, 2008

Mary Joan A. Aala

Pilosopiya....ano nga ba ito? Kung ako ang tatanungin, ang pilosopiya ay masasabing ang panaw ng isang tao sa buhay. Ito ang nagsisilbing gabay ng isang tao kung paano siya gagalaw. Pero sa mas malalim na kahulugan, ano nga ba ito? Marami sa mga istudyante ang nagsasabing napakahirap unawain at pag-aralan ang asignaturang ito. At isa ako sa mga istudyanteng ito. Sa totoo lang, noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit kasama ang asignaturang ito sa maga dapat naming pag-aralan gayong wala naman itong kaugnayan sa kursong kinuha namin. Yun ang akala ko.



Ayon sa aking natutunan, ang Pilosopiya ay and siyensya at sining ng paghahanap ng katotohanan. Sa disiplinang ito, walang katapusan ang pagtatanong. Ayon sa isang pilosopo, sa disiplinang ito, mas mahalaga ang pagtatanong kaysa sa pagsagot. Sapagkat sa iyong pagsagot, magbibigay daan lamang ito sa isa pang pagtatanong. Kung ito ang ibig sabihin ng pilosopiya, hindi pala totoo na mahirap unawain ito. Dahil sa oras na magtanong ka, masasabing gumagamit ka na ng pilosopiya. At sa oras na magtanong ka, maituturing mo na ang iyong sariling isang pilosopo. Hindi mo na kailangang mag-aral ng ilang taon at kumuha ng iba't ibang disiplina na may kaugnayan sa pilosopiya upang maging ganap na pilosopo. Magtanong ka lang at isa ka nang ganap na pilosopo.



Maraming disiplina ang maaaring iugnay sa pilosopiya. Halos lahat siguro ng disiplinang pinag-aaralan natin ay may kaugnayan sa pilosopiya, ngunit apat lamang ang maituturing na pangunahing sangay nito. Ang Ethics, Metaphysics, epistemology, at logic. Ang ethics ay ang pag-aaral tungkol sa moralidad ng isang tao. maaaring ang moral ng isang tao ay hindi naaayon sa moral ng isa. Kaya hindi tamang sabihin ng isang tao lamang kung ano ang tama at mali para sa lahat. Ang metaphysics ay ang pag-aaral na kung saan inaalam kung paano ngsimula ang isang bagay o pangyayari. Ang epistemology ay ang pag-aaral tungkol sa karunungan. Saan at paano nga ba ito nagsimula. At ang huli ay ang logic na kung saan sinsabing ito ay ang siyensya at sining ng tamang pag-iisip at pagdadahilan. Mas pinagtutuunan ng pansin dito ang pagdadahilan. Sapagkat lahat ng nagdadahilan ay nag-iisip ngunit hindi lahat ng nag-iisip ay nagdadahilan.



Kung uunawain nating mabuti kung ano nga ba ang pilosopiya at kung ano and kaugnayan nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, malalaman nating hindi pala ito mahirap unawain. Tayo lamang ang nagpapakumplikado nito.

No comments: