Contemporary Philosophy Ano Ito?
Ang pilosopiya ay siyensya na tumutukoy sa sintesis ng lahat ng pagkatuto (learning). Ito ay may apat na uri; lohika (logic), etiko (ethics), aesthetics, metapisiko (metaphysics), at epistomologo (epistemology).
Ang lohika ay ang siyensya na tumutukoy sa mga prinsipyo ng pangangatwiran (reasoning) at mga argumento. Ang kilalang klasikal o tradisyunal na lohika ay unam pinasimulan ng pilosopong si Aristotle, na gumawa ng batas ukol sa tamang Syllogistic Reasoning. Ang syllogism ay isang argumento na binubuo ng mga pahayag sa isa o apat na porma. Halimbawa:
Lahat ng A ay B
Walang A ay B
Ang ibang A ay B o
Ang ibang A ay hindi B
Ang etiko ay mga prinsipyo o batas ng tao. Tinatawag din itong morals. Sa historikal na pagkakabuo ng etiko, apat na bagay ang nangibabaw bilang highest good. Ito ay ang mga sumusunod:
Kasiyahan (happiness or pleasure)
Obligasyon (duty)
Pag-uugali (virtue)
Perpkesyon (perfection)
Ang aesthetics ay tumutukoy sa esensya at persepsyon ng kagandahan at hindi kagandahan (beauty and ugly). Kinekwestyon nito kung ang kalidad (quality) ay nasa isang bagay o kung ito ay nasa pag-iisisp lamang ng isang tao.
Ang metapisiko ay tumutukoy sa realidad. Ang empirisismo (empiricism) ay isang uri ng metapisiko. Sinasabi dito na ang kaalaman sa realidad ay hindi nakukuha sa anumang prinsipyo (principles) o teyorya (theory). Ayon sa empirisismo ito ay nakukuha sa karanasan (experience).
Ang epistemologo ay tumutukoy sa depinisyon ng kaalaman, ang pinagkukuhanan nito, mga uri, at ang relasyon nito sa gitna ng isang nakakaalam at sa bagay na inaalam nito. Ayon kay Aristotle, ang kaalaman ay nakukuha sa karanasan, maging ito man ay direkta o pagbabawas sa batas ng lohika.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment