Sunday, March 23, 2008

Shara May D. Rizon BOA III-4

Pangkasalukuyang Pilosopiya
Ano nga ba ang pilosopiya? Sa panahon ngayon, marami ang hindi lubusang nakakaintindi o nakakaalam ng kahulugan nito. Gaya ko, marami ang nag-iisip na isa itong mahirap, komplikado at maselang usapin. Dahil sa pag-iisip na ito nagkakaroon ng takot ang isang indibidwal na nagiging hadlang upang tuklasin ang mga bahagi nito o ang tinitukoy na mismo natin, Pilosopiya. May nagsabi sa akin noon na "natatakot ka lamang sa mga bagay na hindi mo lubusang naiintindihan." Pinatototohanan ko ang mga salitang ito dahil pagkatapos ng isang buong semestre sa ilalim ng pamamahala ng aking guro sa Pilosopiya ay sa tingin ko naalis na ang takot ko dito.
Ang karaniwang pagkakaintindi ng karamihan sa salitang Pilosopiya ay tumutukoy ito sa anumang anyo ng kaalaman, o pananaw ng tao tungkol sa buhay o mga prinsipyo o paraan upang makamit ang isang bagay. Malapit na rin siguro pero ang totoo ay, ang pilosopiya ay mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim o kritikal na katanungan na maaaring maging kasagutan sa hinahanap na katotohanan. Ang etimolohikal na kahulugan nito ay "pagmamahal sa karunungan." Galing ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philo" na ang ibig sabihin ay "Pagmamahal" at "Sophia" na nangangahulugan naman ng "Karunungan." Sa tuwina, ang pilosopiya ay palagiang "nagtatanong" tungkol sa mga bagay-bagay upang magbigay linaw, kasagutan at karagdagang katanungan sa nagtatanong.
Ang pangkasalukuyang pilosopiya, ay karaniwang nahahati sa apat (4) na mahahalagang sangay. Ang Metapisika: ito ang sangay ng pilosopiya na tumatalakay sa pag-aaral tungkol sa "existence and nature of existence." Sumasagot ito sa mga tanong tulad ng: "Ano ang umiiral na bagay sa mundo? Ano ang kahulugan ng pagiging tao? Epistimolohiya ang tumatalakay sa pag-aaral tungkol sa "kaalaman." Sumasagot ito sa mgatanong na: "Saan nagmula ang kaalaman? May katiyakan ba sa kaalaman? Paano natin nalaman na may alam tayo? Tinatalakay naman ng Etika kung ang isang aksyon o gawain ng isang tao ay masama o mabuti. Tiutugon nito ang mga katanungang: "Ano ang dapat kong gawin? Meron bang pagkakaiba ang mga matuwid o imoral na gawain?" At ang Lohika na madalas pinag-aaralan ng mga pilosopo. Ito ay siyensya at sining tungkol sa tamang paraan ng pag-iisip at inferential reasoning."
Ngayon kung may magtatanong sakin kung ano ang pilosopiya, ganito lang ang isasagot ko:"Well, well, well my dear friend, Philosophy is simply the science of everything." At kung may naguguluhan at nagtanong kung nag-eexist ba talaga tayo, ganito lang ang sasabihin ko: "My dear friend, tandaan mo lamang ang formulang 'to:"I think, therfore, I am," na sa ibang lenggwahe ay "Cogeto Ergo Sum" na pagbinigkas mo ay para kang nagchant ng spell, sa sandali na magduda ka kung nag-iisip ka nga ba talaga, nangangahulugan na ito na nag-iisip ka nga. Sabi ng prof. ko lahat daw tayo pilosopo dahil lahat daw tayo nagtatanong may kanya-kanyang level nga lang pero lahat tayo certified philopher with different levels nga lang.

No comments: