Sunday, March 23, 2008

Contemporary

1 comment:

melody said...

“Make an essay about comtemporary philosophy.”

Noong unang beses kong mabasa ang text message ng aming class president walang pumasok sa isip ko dahil wala naman talaga akong idea tungkol dito. Kaya ang ginawa ko sinimulan ko sa kahulugan ng salitang contemporary philosophy.

Contemporary means at present time at philosophy means love for wisdom. Kaya nabuo sa aking isipan na marahil ang ibig sabihin ng contemporary philosophy ay ang mga makabagong kaisipan ng mga tao. Alam natin na bawat araw ay nadaragdagan ang ating kaalaman bunga ng mga bagay na nagaganap sa ating mga buhay.

Ang kaisipan ng mga tao ay nagmumula ng mga nangyayari sa kanyang kapaligiran. Halimbawa na dito ay ang nagaganap sa ating unibersidad, halos araw-araw na lamang ay nag-rarally ang mga aktibista sa ating unibersidad at dahil sakanila ay namumulat tayo sa tumay na nangyayari sa ating lipunan at umuunlad and ating mga pilisopiya sa buhay.

Ang pilosopiya ay isang bahagi ng ating buhay na hindi natin kayang takasan.